Manila, Philippines- Sumabak na rin sa pagpapa-seksi ang tinaguriang Asia’s Limitless Star na si Julie Anne San Jose.
Ito ang nabuong impresyon kay Julie Anne pagkatapos mailunsad bilang Calendar Girl ng Ginebra San Miguel for 2025.
Almost all the celebrity endorsers na naging GSM Calendar Girl ay sexy ang image, ‘yan ang message na nai-impart sa consciousness ng publiko.
Paliwanag ni Julie Anne, “Para po kasi sa akin ‘yung pagiging seksi hindi lang nakikita sa katawan or sa physical aspect.
“Ang pagiging sexy ay nakikita sa karakter ng isang tao. Uhm, kung paano dalhin ang kanyang sarili, kung paano niya i-voice-out ang opinion niya, kung paano sya nakapagbigay inspirasyon sa ibang tao sa pamamagitan ng craft, sa pamamagitan ng uhm….sa kung ano ang kaya niyang gawin,” explain ni Julie Anne.
Since its inception in 1988, may beauty queens, models, TV and movie actresses ang naging GSM Calendar Girl.
Ilan sa kanila ay si former Miss Universe Pia Wurtzbach (2019), Anne Curtis (2011), Yassi Pressman (2023) at Marian Rivera (2009 and 2014).
And last year, si Heaven Peralejo ang kanilang Calendar Girl.
Incidentally, ang tiyahin ni Heaven na si Rica Peralejo ay naging GSM Calendar Girl din noong 2002.
Si Julie Anne ang 34th Calendar Girl sa ika-190 anibersaryo ng Ginebra San Miguel.
Say ni Julie, “Uh, parang ‘di ko siya lubos maisip or ma-imagine. I mean, like before.
“But, you know, I’m really happy. I’m speechless right now. Nao-overwhelmed ako today. You know, it’s a big day for me.
“It’s a big day for everybody and siguro it’s a surprise para po sa inyong lahat. Actually, para sa sarili ko rin. Uh, yeah. Sobrang surreal ng moment na ‘to.”
Naganap ang grand reveal for Julie Anne as GSM’s new Calendar Girl with Obra Maestra as the theme for the 2025 calendars sa Manila Diamond Hotel.
Pagkatapos ng bonggang grand reveal kay Julie ay natanong namin sa kanya ang reaksyon ng
boyfriend niya na si Rayver Cruz sa pag-pose niya ng sexy sa calendar.
“Uh, sinabi ko po muna sa kanya na magiging Calendar Girl ako ng Ginebra. Sobrang na-excite po siya para po sa akin.
“Sobrang proud na proud po siya and palagi po niya sinasabi sa akin, ‘Kaya mo ‘yan because it’s something new. Para makita ng ibang tao na, wow, may different side pala si Julie.’
“So, sobrang happy po siya para sa akin. Wala po siya ngayon dito pero talagang, you know, abot-abot dito ‘yung support niya,” pahayag ni Julie Anne.
Hindi pa raw nakikita ni Rayver ang kabuuan ng different sexy-layouts ng calendar ni Julie Anne.
“Actually, kapag nagpapakita po ako ng behind-the-scenes sa kanya, ‘Wow. Grabe. Nakaka-excite ‘yung magiging outcome ng layout.’
“Hindi ko po alam kung nakita na niya. (But) For sure, nakita na po niya online. Di ko pa po kasi siya nakakausap.
“(Pero) Humingi po siya ng ano, kasi gusto raw po niya ipaskil ‘yung malalaking poster po.
Ipapa-frame po niya. Humingi po siya ng mga kopya,” esplika ni Julie Anne.
Gaya ng mga nakalipas na GSM Calendar Girls na nainterbyu namin, nagkwento si Julie kung paano sila naghanda bago sila sumabak sa pictorial.
“Well, ako po, as much as I can po talaga I really do cardio. I do cardio when I can. Pero siguro rin po sa tulong ng busy schedule. Siguro nakatulong din po ‘yun para ma-maintain ‘yung weight ko. Kasi hindi po ako tumataba,” say ni Julie.
Dugtong pa niya, “Kasi, usually po kapag may production numbers po kasi kami na ginagawa ‘All Out Sundays’ like I always dance. I always do different stuffs. And most of the time. Kaya siguro nakatulong na rin ‘yung load ng trabaho para ma-maintain ‘yung figure.” Julie Bonifacio