Home METRO Salvage ops sa tumagilid na fuel tanker aabutin ng 1 linggo –...

Salvage ops sa tumagilid na fuel tanker aabutin ng 1 linggo – PCG

MANILA, Philippines- Maaaring tumagal ng isang linggo ang salvage operations sa tumagilid na fuel tanker sa Batangas Port, sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Biyernes.

Ayon sa ulat, sinabi ng mga awtoridad na walang oil spill mula sa insidente sa pananalasa ng Severe Tropical Storm Kristine noong nakaraang linggo.

Nauna nang sinabi ng port manager na ang pamunuan ay nagsumite na ng underwater survey sa lumubog na barko sa PCG.

“Antayin nation yung plano nila kung i-extract nila yung laman sa loob, yung fuel and after that, or hahatkin natin siya, then pa-patching-an,” sabi ni Captain Airland Lapitan, Coast Guard Station Batangas acting commander.

Ang nasabing tanker ay pareho sa barko na naunang iniulat sa oil smuggling noong Oktubre 16.

Sinabi ng pamunuan ng Batangas Port Management na hindi nakaapekto ang tanker sa biyahe sa dagat ngayong Undas. Jocelyn Tabangcura-Domenden