Home NATIONWIDE 2 Pinoy nursing assistants sa New Jersey kalaboso sa ‘pag-atake’ sa pasyente

2 Pinoy nursing assistants sa New Jersey kalaboso sa ‘pag-atake’ sa pasyente

MANILA, Philippines- Swak sa selda ang dalawang Filipino nursing assistants dahil sa umano’y pananakit sa isang pasyente sa isang rehabilitation center sa New Jersey.

Kinasuhan sina Dhenmark Francisco, 28, at Jovi Esperanza, 31, ng aggravated assault dahil sa umano’y pag-atake sa 52-anyos na pasyente sa isang rehabilitation facility sa Berkeley Township, ayon sa Ocean County Prosecutor’s Office.

Personal na kinontak ng manager ng pasilidad ang Berkeley Police Department upang iulat ang pag-atake na nagresulta sa kritikal na kondisyon ng hindi pinangalanang pasyente sa Community Medical Center.

Sina Francisco at Esperanza ay kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng Ocean County Jail habang nakabinbin ang court detention hearing upang matukoy kung maggagawad ng piyansa.

Batay sa ulat, isinailalim si Francisco sa kustodiya ng mga awtoridad isang araw matapos ang insidente habang sumuko naman si Esperanza.

Hindi pa naglalabas ang police investigators ng motibo sa likod ng pag-atake, subalit nasa maayos na kalagayan na ang biktima. RNT/SA