Home NATIONWIDE Imee Marcos: Epekto ng US elections sa Pinas dapat paghandaan

Imee Marcos: Epekto ng US elections sa Pinas dapat paghandaan

MANILA, Philippines- Nagbabala si Senator Imee Marcos nitong Biyernes hinggil sa “rapid and significant shifts” sa mga polisiya ng United States sa Pilipinas, partikular sa immigration, investments, at defense bago sumapit ang presidential elections ng Amerika.

“The Philippines should prepare for the impact of the U.S. elections on the Philippines and the world,” pahayag ni Marcos, chairperson ng Senate foreign relations committee.

“The political and economic stability of the U.S. is integral to world economic stability,” dagdag niya.

Binigyan ng senador, kapatid ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang responsibilidad ng pamahalaan ng Pilipinas na protektahan ang ekonomiya at mga mamamayan nito, kung saan halos 4.5 milyong Filipino-Americans ang kasalukuyang naninirahan sa US.

Binanggit niya na “any U.S. president will naturally prioritize American interests” at iginiit ang kahalagahan ng pagiging alerto sa pagbabantay sa sariling interes ng Pilipinas.

Kasado ang US presidential elections sa Nobyembre 5. RNT/SA