Home NATIONWIDE PPA nag-abiso sa mga pasahero vs travel insurance scam

PPA nag-abiso sa mga pasahero vs travel insurance scam

MANILA, Philippines- Nagbabala ang Philippine Ports Authority (PPA) sa mga pasahero ngayong Semana Santa laban sa mga scammer ng travel insurance.

Ayon kay PPA spokesperson Eunice Samonte, ito ay makaraang mabiktima ang isang mag-ina na nagbayad ng P500 sa isang indibidwal na nag-alok sa kanila ng travel insurance sa Manila North Port Passenger Terminal noong Lunes.

Sinabi ni Samonte na ang dagsa ng mga pasahero ngayong Semana Santa ay ngayong Martes Santo at sa Miyerkules Santo, kung saan halos 300,000 pasahero kada araw ang inaasahan sa lahat ng pantalan sa bansa.

Nauna nang sinabi ni Samonte na higit 2 milyong pasahero ang inaasahang maglalakbay sa dagat ngayong Semana Santa.

Pinayuhan naman ni Samonte ang mga pasahero na maagang magtungo sa pantalan bago ang kanilang oras ng departure.

Pinayuhan din niya ang mga pasahero na iwasang magdala ng gamit na maaring makumpiska.

“Dahil nga mas mahigpit ang seguridad natin sa mga pantalan, mas maigi pa rin po kung kakaunting gamit na lang ‘yung dalhin nila dahil daraan po yang lahat sa X-ray machine at saka po sa matinding screening,” paala pa ni Samonte. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleNSA Año sa mga dating rebelde: Amnesty program ng gobyerno ikonsidera
Next article3 sasakyang idineklarang ‘spare parts’ nakumpiska ng BOC