Home HOME BANNER STORY Target na 3M bagong botante maaabot ng Comelec sa Hunyo

Target na 3M bagong botante maaabot ng Comelec sa Hunyo

MANILA, Philippines – Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) nitong Huwebes, Mayo 9, na posibleng maabot nito ang target na tatlong milyong bagong botante para sa May 2025 midterm elections “probably by June.”

Sa panayam, sinabi ni Comelec chairperson George Garcia na inaasahan nilang maaabot ang naturang bilang batay sa kasalukuyang trend.

“We may reach 3.3 to 3.4 million (voters) by Sept. 30,” dagdag ni Garcia.

Batay sa datos ng Comelec hanggang nitong Mayo 7, umabot na sa 2,725,089 ang mga aplikante na magpaparehistro bilang botante.

Nanguna ang Region 4-A (Calabarzon) sa may pinakamaraming voter applicants sa 493,392.

Sinundan ito ng National Capital Region sa 420,212, at Central Luzon sa 314,324.

Ang voter registration ay hanggang Setyembre 30 lamang. RNT/JGC