Home NATIONWIDE Pinalayang Pinoy mula sa barkong hinarang ng Iran, pauwi na ng bansa...

Pinalayang Pinoy mula sa barkong hinarang ng Iran, pauwi na ng bansa – DMW

MANILA, Philippines – Pauwi na ng Pilipinas ang Filipino crew member ng isang Portuguese-flagged vessel na hinarang ng Iran sa Strait of Hormuz, ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac.

Ang Pinoy ang isa sa pitong crew members ng MSC Aries na pinalaya ng Iran.

“We send our sincerest thanks to Secretary Enrique Manalo and his entire team at the Department of Foreign Affairs (DFA) who spared no efforts to secure the release of our brave seafarer,” saad sa pahayag ni Cacdac.

Limang Indians, isang Filipino at Estonian mula sa MSC Aries “have been freed today,” sa pahayag ng foreign ministry ng Portugal.

Nakasakay pa rin sa MSC Aries ang ilang mga crew member, kabilang ang tatlong Filipino.

Ani Cacdac, umaasa ang pamahalaan na pakakawalan na rin ang tatlong Filipino seafarer.

“The DMW will continue working with the DFA (Department of Foreign Affairs), the ship agent and licensed manning agency to secure the release of the three Filipino crew men who remain in the custody of Iranian authorities,” ani Cacdac.

Idinagdag pa niya na ang DMW at attached agency na Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ay nakikipag-ugnayan sa mga pamilya ng lahat ng crewmen, at siniguro ang buong suporta ng pamahalaan at tulong.

Sinabi ng Iran na ang naturang container ship ay may kaugnayan sa Israel, nang kubkubin nila ito noong Abril 13. RNT/JGC