Home METRO PRA deal tinintiahan ng NAPC, LPP, at Pasay LGU

PRA deal tinintiahan ng NAPC, LPP, at Pasay LGU

MANILA, Philippines – NAGSAGAWA ng tatlong ‘Memorandum of Understanding’ (MOU) ang Philippine Reclamation Authority (PRA) kasama ang National Anti-Poverty Commission (NAPC), ang City Government of Pasay, at ang League of Provinces of the Philippines (LPP) sa Philippine International Convention Center sa Pasay City nitong Biyernes, Mayo 10.

Pinangunahan ni NAPC Lead Convenor Lope B. Santos III, ang panig ng komisyon, at sina PRA Chairman Alexander T. Lopez at Gen. Mgr. and CEO Cesar S. Siador Jr. ang nagrepresenta sa ahensiya ng PRA.

Kabilang sa mga dumalo sa naturang ‘partnerships’ sina Pasay Mayor Imelda G. Calixto- Rubiano at Provincial Governor Quirino and National Chairman, League of Provinces of the Philippines Dakila Carlo E. Cua.

Nagkaisa ang PRA at NAPC para gumawa ng paraan na magkaroon ng inklusibong socio-economic growth at sustainable development para sa mga mamamayang Pilipino.

Tatawagin ang nasabing MOU ng PRA at NAPC na PBBM o PRA-NAPC Bagong Buhay para sa Mamayan kung saan naglalayon itong palakasin ang poverty alleviation efforts sa mga coastal communities at tutukan ang sektor ng mga mangingisda.

Ayon kay Atty. Lopez, ang nasabing inisyatiba ay naglalayon na palakasin ang economic resilience ng mga lokal na komunidad sa pamamagitan ng social-economic interventions at extensive community engagement.

Idinagdag naman ni Mayor Calixto na sa Bagong Pilipinas kailangang linisin ang mga lansangan kung saan ang PRA naglalayon ng poverty reduction advocacy.

Sa pagsasagawa ng mga reclamation makikita ang maraming mabibigyan ng kabuhayan, makapagtatayo ng mga bagong imprstraktura, at bagong kalsada, na malaki ang maitutulong sa bawat mamayan at mababawasan ang kahirapan.

Nabatid na ang naturang hakbang ay bilang suporta kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. sa kanyang Bagong Pilipinas Vision. RNT