Makikita sa larawan (mula kaliwa) sila PPP Partylist 2nd nominee Bryan Lim, FPRRD, Mayor Baste Duterte at pinsan na si 1st nominee Harold Duterte at 3rd nominee Johnny Toleran
Patuloy ang pag-bulusok pa-itaas ng Pwersa ng Pilipinong Pandagat o PPP Partylist sa mga surveys kung ito ay nasa ikatlong pwesto na ayon sa Arkipelago Analytics kamakalawa.
Ang PPP Partylist na kung makaka-upo ay kauna-unahang party-list na sesentro sa kapakanan ng mga mangingisda sa bansa ay mabilis nakuwa ang tiwala at suporta ng buong bansa.
Sa ngayon, ang PPP Party-list na may numerong 2 sa mga party-list na tumatakbo sa likod ng balota ay patuloy pa din ini-endorso ng mga Duterte sapagkat ang isa sa nominee nito ay isang tunay na Duterte.
Ang PPP rin ang nag-iisang party-list na sabay-sabay inindorso ni dating Presidenteng Rodrigo “Tatay Digong”, VP Inday Sara, Rep. Paolo Duterte at Davao City Mayor Baste Duterte at patuloy pinanawagan na iboto ng Pamilya Duterte sa Mayo 12.
Ayon sa 1st Nominee ng PPP na si Harold Duterte at pinsang buo ng magkakapatid na Duterte, ay napapanahon na para ma tutukan at mabigyan proteksyon at benepisyo ang mga mangingisda at seafarers sa bansa. RNT