MANILA, Philippines- Posibleng imbitahin ang Philippine-based marketing firm na kinuha umano ng Chinese Embassy sa Manila upang mag-organisa ng troll farm noong 2023, sa susunod na Senate hearing, ayon kay Senate Majority Leader Francis Tolentino nitong Linggo.
“There is a chance for that. Siguro kung maluwag-luwag next week,” pahayag ni Tolentino, Chairman ng Senate Special Committee on Admiralty and Maritime Zones.
Nauna itong inilahad ng senador sa Senate investigation sa submersible drones at umano’y pag-eespiya ng China sa Pilipinas.
Binanggit ni Tolentino na pumalya ang Securities and Exchange Commission (SEC) na magpadala ng tamang kinatawan upang magbahagi ng impormasyon tungkol sa marketing firm.
Iginiit din niya ang panawagan kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na ipatawag si Huang upang ipaliwanag ang service contract.
Kinukuha na ang panig ng marketing firm ukol dito. RNT/SA