Home NATIONWIDE PRA: Manila Bay reclamation projects ‘di mitsa ng malawakang pagbaha

PRA: Manila Bay reclamation projects ‘di mitsa ng malawakang pagbaha

180
0

MANILA, Philippines- Muling itinanggi ng mga opisyal ng Philippine Reclamation Authority nitong Miyerkules na ang mga proyekto sa reclamation ng Manila Bay ay nagdulot ng malawakang pagbaha sa Metro Manila kamakailan.

Sa isang televised briefing, sinabi ni PRA Chairman Alexander Lopez na ipinunto na ng chief of staff ni Senate President Chiz Escudero na ang mga pagbaha sa harap ng Senado ay dulot ng baradong drainage at iba pang kadahilanan.

Inamin din ng Department of Public Works and Highways ang kakulangan ng flood control master plans sa kabila ng pagkumpleto ng 5,500 flood control projects.

“Project Noah has also cleared the reclamation projects na walang kinalaman ang reclamation po,” wika ni Lopez.

Aniya, tinutugunan na ng PRA ang mga alalahanin ng Department of Environment and Natural Resources na ang mga proyekto ng reclamation ay negatibong nakaaapekto sa mga natural na daluyan ng tubig at nagpapabagal sa daloy ng tubig.

Kabilang aniya rito ang reclamation project malapit sa iconic Sofitel Manila, na plano nilang ilipat ng 470 metro.

Sinabi ni Joseph John Literal, PRA assistant general manager for reclamation, gagawin na ngayon ng gobyerno ang island reclamations sa halip na mga reclamation projects na konektado sa lupa batay sa flood studies at hydrodynamic modeling.

Sinabi ni Lopez na kasalukuyang sinusuri ang mga ito dahil sa utos ni Pangulong Marcos Jr. na suspendihin ang lahat ng reclamation project habang nakabinbin ang masusing pagsusuri at pagsusuri ng lahat ng ahensya ng gobyerno.

Ayon pa kay Lopez, habang may posibilidad na kumita ang bansa ng trilyong pisong kita mula sa mga reclamation projects na ito, tinitingnan pa rin ng gobyerno ang posibleng epekto sa ilang sektor na maaapektuhan sa lipunan at ekonomiya kung itutuloy ang mga naturang proyekto.

Aniya, nkasalukuyan silang nakikipag-ugnayan sa Anti-Poverty Commission at Presidential Adviser on Poverty para sa social development management plan para sa kanilang reclamation at dredging projects. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here