Home HOME BANNER STORY Net satisfaction rating of Senado, Kamara, SC bahagyang bumaba noong Hunyo 2024...

Net satisfaction rating of Senado, Kamara, SC bahagyang bumaba noong Hunyo 2024 – sarbey

MANILA, Philippines- Bahagyang bumaba ang net satisfaction rating ng Senado, Kamara, at Supreme Court (SC) sa June 2024 survey, base sa Social Weather Stations (SWS). 

Sa pinakabagong poll, isinagawa mula Hunyo 23 hanggang Hulyo 1, makikita na nakatanggap ang Senado ng “very good” rating na +50 habang nakakuha ang Kamara at SC ng “good” rating na +41. Samantala, nagkamit ang Gabinete sa kabuuan ng “good” rating na +47 hanggang noong Disyembre 2023.

Bahagyang mas mababa ang nabanggit na ratings kumpara sa March 2024 survey kung saan nakakuha ang Senado ng +55, Kamara ng +45, at SC ng +46. 

Sa non-commissioned survey, nagsagawa ng face-to-face interviews sa 1,500 adults sa buong bansa: 600 sa Balance Luzon (o Luzon sa labas ng Metro Manila), at tig-300 sa Metro Manila, Visayas, at Mindanao.   

Gumamit din sa survey ng sampling error margins na ±2.5% para sa national percentages, ±4.0% para sa Balance Luzon, at tig-±5.7% para sa Metro Manila, Visayas, at Mindanao. RNT/SA