MANILA, Philippines – Nagpaalala ang Philippine Red Cross (PRC) sa publiko na mag-ingat kasunod ng volcanic smog o “vog” na naobserbahan sa nakalipas na 24 oras mula sa Taal Volcano, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) – Environmental Management Bureau (EMB), ang mga unhealthy air quality ay nairehistro ng mga stations sa Caloocan, Paranaque, at Pateros, habang namonitor ang napaka- ‘unhealthy air quality’ sa Makati — ang antas ng kalidad ng hangin sa Caloocan ay itinaas sa acutely unhealthy, habang ang Makati at Pateros ay nananatiling hindi unhealthy.
Sinabi rin ni Gordon na ang kanilang resources ay handa para sa posibleng escalation.
Pinayuhan ng PRC ang publiko na manatili sa loob ng bahay upang maiwasan ang pagkakalantad at magsuot din ng facemask kung kinakailangang lumabas.
Idinagdag ni Secretary General Dr. Gwen Pang na ang vog ay nagdudulot ng matinding panganib sa kalusugan, lalo na sa mga may problema sa paghinga, immunocomprised, matatanda, at mga bata.
Nanawagan ang opisyal sa komunidad na sundin ang mga alituntunin ng mga awtoridad, panatilihing nakasara ang mga bintana at pinto upang maiwasan ang pagpasok ng abo ng bulkan sa mga tahanan, at manatiling hydrated.
Ang mga sintomas ng pagkakalantad sa Vog ay iritasyon sa mata, lalamunan, hirap sa paghinga, pagkabalisa, ubo at bahagyang problema sa balat.
Hinimok din ng PRC ang mga tao na may matagal na pagkakalantad sa Vog at nakararanas ng mga sintomas na pumunta sa pinakamalapit na ospital o health center, o makipag-ugnayan sa mga serbisyong pang-emerhensiya tulad ng 143 hotline ng PRC.
Dahil sa panganib sa kalusugan ng Vog, sinuspinde ng Department of Education (DepEd) ang face-to-face classes sa Region IV-A at National Capital Region (NCR) noong Agosto 19. Jocelyn Tabangcura-Domenden