Manila, Philippines – Sa kanyang Instagram, nagbigay ng warning si Raymund Bagatsing sa mga artistang nag-o-audition sa mga taong di nila kilala.
Biktima kasi ang magaling at premyadong aktor ng isang ng online scammer na nagpakilalang isang award-winning director.
Nakontak daw siya ng director through Telegram.
Pumayag daw naman siyang mag-audition online thinking na ang kausap niya ay ang kilalang direktor na si Jun Lana.
Pinatanggal daw ang shirt niya at gumawa pa siya ng very sexy improv ng teasing scene na ang character ay may wife na nasa Tokyo.
Sinabi rin daw sa kanya ng scammer na sina Ivana Alawi at Lovi Poe ang kanyang leading ladies na pumayag diumanong mag-frontal.
Sa huli, na-realize raw niya na di legit ang kausap na nagbanta pa sa kanya na ikakalat ang kanyang sex video dahil nabulilyaso ang modus nito.
Nanawagan pa siya sa mga kasamahan sa industriya na magtulungan para matigil ang ganoong klase ng pananamantala o eksploytasyon.
Caption niya: “They threatened me to pay for damages or the audition video will be published. “I was plainly trusting two respected professionals in Philippine showbiz industry. I have nothing to be ashamed of.
“It was a professional audition on my part.
“They are extortionists and blackmailers. Philippine showbiz please show unity. Please beware of this sick minded people.”
Ipinakita rin niya ang snippets ng naging pag-uusap nila through text ng nabanggit na scammer.
Naglabas naman ang kampo ni Direk Jun Lana at ang TheIdeaFirst Company na hindi sila bahagi ng ganoong modus at nagbigay din sila ng guidelines pagdating sa kanilang audition protocol. Archie Liao