Home NATIONWIDE Pre-enrolling para sa internet voting ng mga OFW, nadagdagan pa

Pre-enrolling para sa internet voting ng mga OFW, nadagdagan pa

MANILA, Philippines – Mas marami pang overseas Flipino workers (OFWs) ang nagpre-enroll para sa online voting and counting system (OVCS) para sa midterm elections.

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na ang kabuuang bilang ng mga enrollees para sa OVCS ay 6,863 limang araw matapos payagan ng poll body ang pag-sign up para sa sistema.

Ang pre-enrollment para sa OVCS ay nagsimula noong Marso 20.

Kabilang ang OVCS enrollees na ito sa 69,000 absentee voter registrants nitong Martes.

Ang 30 araw na overseas online voting period ay magsisimula Abril 13, 2025 hanggang Mayo 12, 2025 ng alas-7 ng gabi, oras sa Pilipinas.

Sa May 12 election, maaari lamang silang bumoto para sa national candidates, 12 senador at isang party-list group. Jocelyn Tabangcura-Domenden