MANILA, Philippines – KUMPIYANSA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang mga bagong ambassadors ng Colombia, Cambodia, at Ukraine sa Pilipinas ay magiging kasangkapan sa pagpapanatili ng matibay na relasyon ng tatlong bansa sa Maynila.
Ito’y matapos na tanggapin ni Pangulong Marcos ang mga credentials nina Ambassadors Edgar Rodrigo Rojas Garavito ng Colombia, Sin Saream ng Cambodia, at Yuliia Oleksandrivna Fediv ng Ukraine sa magkakahiwalay na seremonya sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Martes.
“I believe there’s more that we can do, that we can explore many other sectors, and strengthen and deepen the relations between our two countries,” ang sinabi ni Pangulong Colombian ambassador, nakasaad sa news release ng Presidential Communications Office (PCO).
Sa kabilang dako, sinabi ni Rojas Garavito na ang Colombia at Pilipinas, nagbahagi ang dalawang bansa ng kani-kanilang mithiin para sa “lasting peace and development.”
Ang pormal na diplomatic relations sa pagitan ng Pilipinas at Colombia ay itinatag noong July 5, 1946.
Ang Colombia ang tahanan ng 100 Filipino.
Umaasa rin si Pangulong Marcos na mapalalakas pa ang bilateral ties ng Pilipinas sa Cambodia, sinabi nito na ang dalawang bansa ay mayroong “strong foundation.”
“I welcome you to the Philippines and I look forward to even stronger relationships between our two countries, to strengthen what is already a very strong union between our two countries,” ang sinabi ng Pangulo kay Sin.
Tiniyak naman ni Sin kay Pangulong Marcos ang kanyang commitment na mas palakasin pa ang pagtutulungan sa pagitan ng Maynila at Phnom Penh “for the mutual benefit and prosperity” ng mga Filipino at Cambodians.
Sa ulat, pormal na itinatag ng Pilipinas at Cambodia ang diplomatic relations ng mga ito noong Aug. 20, 1957.
‘As of June 2024, ‘ mayroong 7,500 Filipino ang nasa Cambodia.
Nagpahayag naman ng kahandaan ang Fediv na makapag-ambag para i-develop ang bilateral relations, partikular na ang ‘collective efforts’ na nagpo-promote ng “peace, prosperity, and mutual respect across borders.”
Muling pinagtibay naman ni Pangulong Marcos ang ‘unwavering support’ ng Pilipinas para sa lahat ng pagsisikap upang mahanap ang makatarungan at pangmatagalang kapayapaan Ukraine.
“We hope to continue – we will always support you in your efforts for peace. And we are very happy to welcome you here and to be able to have conversations with you as to what else we in the Philippines, though far away, might be able to do to help our quest for peace,” ang winika ng Pangulo.
Samantala, ang diplomatic relations sa pagitan ng Pilipinas at Ukraine ay itinatag noong April 7, 1992.
Tinatayang 24 Filipino ang kasalukuyang nakatira sa Ukraine. Kris Jose