Home NATIONWIDE Drogang isinilid sa condom, nabuking ng BuCor

Drogang isinilid sa condom, nabuking ng BuCor

MANILA, Philippines – Napigilan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang tangka ng isang babae na magpuslit ng hinihinalang iligal na droga sa loob ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Sa ulat, kinilala ang babaeng suspek na si Rovelyn Fabillar na nakarehistrong bisita ng PDL na si Lester Martin Ramos.

Batay sa ulat, isinilid ang mga kontrabando sa loob ng mga condom at isiniksik sa pribadong bahagi ng katawan ni Fabillar.

Nabuking ang tangkang pagpuslit sa isinagawang routine security inspections sa mga bisita ng mga PDL sa Inmate Visiting Services Unit (IVSU) Maximum Security Compound.

Si Fabillar ay dinala na sa Muntinlupa Police habang ang kontrabando ay ipinasa na sa Philippine Drug Enforcement Agency para sa kaukulang pagsusuri. TERESA TAVARES