Home NATIONWIDE Precinct finder ng Comelec sa 2025 polls, mahirap ma-hack

Precinct finder ng Comelec sa 2025 polls, mahirap ma-hack

MANILA, Philippines – Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na magiging mahirap ang pag-hack sa precinct finder para sa 2025 elections.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, inaasahan ng poll body na magkakaroon ng mga pagtatangka na labagin ang precinct finder sa gitna ng pagtatangka na i-hack ang Comelec website.

Sinabi ni Garcia na, sa kanilang mahigpit na koordinasyon sa Department of Information and Communications Technology (DICT), Department of Science Technology (DICT) at ibang government agencies, mahihirapan ang mga hacker dahil sa mga trained at experienced personnel mula sa Information Technology Department.

Inulit ni Garcia na ang precinct finder ay maa-access dalawang linggo bago ang halalan.

Tiniyak din ni Garcia na ang data ng Comelec ay secure at walang insidente ng data breaches ang iniulat.

Sinabi ni Garcia noong Miyerkules na ang Comelec website ay nakatanggap ng milyon-milyong hacking attempts pero walang pagtatangka ang nagtagumpay.

Sinabi ni Garcia na ang halos 60,000 pagtatanga ay ginawa laban sa online voting at counting system ng Comelec. Jocelyn Tabangcura-Domenden