Home NATIONWIDE Preliminary conference sa petisyon sa legalidad ng 2025 national budget ipinagpaliban

Preliminary conference sa petisyon sa legalidad ng 2025 national budget ipinagpaliban

MANILA, Philippines- Hindi na itutuloy bukas, February 28, ang preliminary conference kaugnay sa petisyong kumukwestiyon sa legalidad ng 2025 national budget.

Mula sa orihinal na petsang February 28, inilipat na ng Korte Suprema sa March 5, alas-9:30 ng umaga ang preliminary conference.

Ito ay magaganap pa rin sa En Banc Session Hall sa tanggapan ng Korte Suprema sa Maynila.

Sa inilabas na abiso ng Mataas na Hukuman, tanging ang mga sumusunod lamang ang maaaring dumalo sa preliminary conference:

  • *Dalawang counsel ng petitioners na sina dating executive secretary Vic Rodriguez, at iba pa

  • Dalawang counsel mula sa Kamara

  • Dalawang counsel mula sa Senado

  • Dalawang counsel mula sa Office of the Solicitor General na kakatawan kay Executive Secretary Lucas Bersamin

Ang mga dadalo ay kinakailangang magpasa ng kanilang mga pangalan sa loob ng limang araw mula nang ilabas ang abiso. Teresa Tavares