Home NATIONWIDE Presidential guards kinilala ni PBBM, bagong headquarters binuksan

Presidential guards kinilala ni PBBM, bagong headquarters binuksan

1
0

MANILA, Philippines – Pinasinayaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bagong headquarters ng Presidential Guards Group sa San Miguel, Manila.

Kasabay nito ay kinilala ng Pangulo ang dedikasyon at professionalism ng mga tauhang nakatalaga para protektahan ang Presidente, First Family at bansa.

Ipinakita sa bagong pasilidad ang patuloy na suporta ng pamahalaan sa kapakanan at operational capabilities ng Presidential Security Command (PSC).

“Kinilala ng Pangulo ang kanilang walang sawang paglilingkod sa pagtiyak ng kaligtasan ng Pangulo, ng Unang Pamilya, at ng bansa,” saad sa pahayag ng Presidential Communications Office (PCO).

Pinuri naman ni Marcos ang mga miyembro ng PSC sa kanilang dedikasyon at mahalagang tungkulin sa pagsisiguro ng kaligtasan at operasyon ng pamahalaan.

Kinilala niya na ang responsibilidad ng presidential security personnel ay nangangailangan ng disiplina, kakayahan at patuloy na kahandaan.

Hinimok niya ang mga ito na ingatan ang bagong gusali at ituring ito bilang ikalawang tahanan sa patuloy na pagsasagawa ng kanilang mga tungkulin.

Inaasahang palalakasin ng bagong headquarters ang kanilang abilidad na maisagawa ang mandato sa pamamagitan ng pinabuting pasilidad at maayos na working conditions. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here