Home NATIONWIDE Presyo ng baboy bababa ngayong Marso — DA

Presyo ng baboy bababa ngayong Marso — DA

MANILA, Philippines – Inaasahan ng Department of Agriculture (DA) na bababa ang presyo ng baboy ngayong Marso matapos ang kasunduan ng mga stakeholder ng hog industry na ibaba ang presyo.

Ayon kay DA Assistant Secretary Arnel de Mesa, bumababa na ang farmgate price ng baboy sa ₱220 hanggang ₱240 kada kilo mula sa dating ₱250 hanggang ₱260, na magdudulot ng ₱10 hanggang ₱20 bawas-presyo sa pamilihan.

Batay sa pinakahuling monitoring ng DA, ang presyo ng pork ham ay nasa ₱350 hanggang ₱420 mula sa ₱370 hanggang ₱430 noong simula ng buwan. Bumaba rin ang presyo ng pork belly sa ₱375 hanggang ₱480 mula sa dating ₱480.

Ang pagtaas ng produksyon ng baboy at ang nalalapit na paglabas ng bakuna laban sa African Swine Fever (ASF) sa commercial level ay inaasahang magpapatatag sa suplay at magdudulot ng karagdagang pagbaba sa presyo. Samantala, hindi pa inaanunsyo ng DA ang opisyal na pagpapatupad ng suggested retail price (MSRP) sa baboy. RNT