Home NATIONWIDE Presyo ng ilang food items tumaas noong Pebrero

Presyo ng ilang food items tumaas noong Pebrero

MANILA, Philppines- Muling nagtaas ang presyo ng agricultural commodities, partikular ng bigas, sa huling mga araw ng Pebrero, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Batay sa PSA price situationer, umakyat ang kilo ng regular milled rice sa P50.63 mula February 15 hanggang 17 mula P50.34 sa pagpasok ng buwan.

Umakyat din ang presyo ng sariwang pork liempo sa P346.59 kada kilo sa period mula P344.13 sa unang mga araw ng Pebrero ar P344.72 sa ikalawang bahagi ng Enero.

Gayindin, nadagdagan ang presyo ng calamansi na pumalo na sa P84.75, mas mataas sa average retail prices na P82.06 at P77.29 noong early February at late January.

Samantala, nakikita ng mga ekonomista na tutugma ang inflation sa taong ito sa government target band na 2 hanggang 4 percent. RNT/SA

Previous articleBuilding inspections paiigtingin ng Valaenzuela kasunod ng warehouse fire
Next articleMakati Park and Garden para sa EMBO residents – Taguig LGU