Home NATIONWIDE Presyo ng ilang school supplies bumaba – DTI

Presyo ng ilang school supplies bumaba – DTI

340
0

MANILA, Philippines- Bumaba ang presyo ng ilang school supplies dahil sa mas mababang costs of production at raw materials, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI) nitong weekend, dalawang linggo bago opisyal na magsimula ang school year.

Base sa DTI, na-monitor ng ahensya ang nasa 29 items na nakapagtala ng price declines na P1 hanggang P10 mula sa presyo ng mga ito noong 2024, kabilang ang mga notebook, pad paper, at lapis, bukod sa iba pa.

“Siguro ‘yung cost of production nila bumaba rin tsaka ‘yung mga raw materials. Iilan ilan lang ‘yung tumaas,” anito noong Linggo.

Kasunod ito ng pagsasagawa ng DTI officials nitong weekend ng monitoring sa pagbebenta ng school supplies sa Divisoria at sa mga mall, bago ang pagbubukas ng school year sa June 16, 2025.

“These still no price increases for basic necessities and prime commodities,” pagtitiyak ni Trade Secretary Cristina Roque.

Samantala, naiulat na sumusunod sa itinakdang price guide para sa school supplies ngayong 2025-2026 ang mga vendor sa Divisoria, ayon kay Roque.

Sinabi ni Roque kasunod ng monitoring ng DTI sa school supplies, karamihan sa items ay mas mababa pa ang presyo sa nakalagay sa price guide.

Ngunit handa ang ahensya na mag-isyu ng babala sa vendors laban sa mataas na presyo ng mga produkto kaysa sa nakasaad sa guide.

Bagama’t ang guide ay hindi nagpapataw ng price caps, sinabi ni Roque na ang mga vendor ay karaniwang hindi nagbebenta ng school supplies sa mas mataas na halaga.

Sinabi ni Roque na dapat suriin ng mga mamimili ang mga price guide para malaman kung magkano ang kanilang aasahan na babayaran para sa school supplies.

Samantala, asahan din ng mga konsyumer na ang presyo ng pangunahing bilihin ay nanatiling stable bago magsimula ang bagong school year, ayon sa DTI.

Saklaw nito ang cup noodles, asukal tinapay, kape, sardinas at iba pa.

Naglabas na rin ng Suggested Retail Prices ang DTI para sa nabanggit na items.

Ang price guide at SRP ay naka-post sa website ng DTI.

Kung hindi sumusunod ang mga vendor, sinabi ni Roque na maaaring iulat ng mga mamimili ang bagay sa pamamagitan ng email sa [email protected] o sa pamamagitan ng 1-384 hotline. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here