Home NATIONWIDE Presyo ng langis patuloy na tumataas dahil sa giyera sa MidEast

Presyo ng langis patuloy na tumataas dahil sa giyera sa MidEast

175
0

MANILA, Philippines – Patuloy na tumataas ang presyo ng langis habang bukas ang merkado nitong Linggo dahil sa giyera sa Middle East na nakakaapekto sa global supply.

Dahil sa pagbawas ng produksyon ng Gulf states at pagkaipit ng mga oil tanker sa Strait of Hormuz, tumaas ang presyo ng langis ng 40–50% mula nang umatake ang US at Israel sa Iran noong Pebrero 28.

Nangamba ang mga investors na maaaring bumagal ang paglago ng ekonomiya at tumaas ang inflation.

Ang West Texas Intermediate ay nasa $98.72 kada bariles, habang ang Brent ay $103.76 kada bariles.

Ayon kay US Energy Secretary Chris Wright, ang kasalukuyang sitwasyon ay “short-term pain” at maaaring matapos ang giyera sa loob ng ilang linggo.

Binabalaan rin ng International Energy Agency na ang digmaan ay nagdudulot ng pinakamalaking supply disruption sa kasaysayan ng global oil market. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here