Home NATIONWIDE Pag-aresto sa 2 Pinoy sa UAE dahil sa online content, iimbestigahan ng...

Pag-aresto sa 2 Pinoy sa UAE dahil sa online content, iimbestigahan ng PH embassy

161
0

ABU DHABI, UAE – Iniimbestigahan ng Philippine Embassy sa Abu Dhabi ang ulat na may mga Filipino na naaresto sa United Arab Emirates matapos mag-post at mag-share ng online content tungkol sa Iranian attacks sa bansa.

Ayon sa ulat, dalawang Filipino ay kabilang sa 25 na naaresto dahil sa pagbabahagi ng video ng strike ng Tehran at air defense interceptions ng Abu Dhabi.

Binigyang-diin ng embahada na nirerespeto nila ang soberanya ng UAE at ang pagpapatupad ng kanilang batas sa national security, cybercrime, at public order.

Pinayuhan ang mga Filipino na maging maingat sa social media: huwag mag-record, mag-post, o mag-share ng hindi beripikadong content, at umasa lamang sa opisyal na pahayag ng UAE o lehitimong balita.

Samantala, nagpahayag rin ang Philippine Embassy sa Manama na may mga batas ang Bahrain na nagbabawal sa pagkuha, pag-record, o pag-publish ng pribadong eksena ng tao nang walang pahintulot, na may parusang hanggang limang taong kulungan at multa na 5,000 Bahraini Dinars. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here