MANILA, Philippines – Ayon sa transport group na Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) na maglulunsad sila ng isang nationwide protest at transport strike sa darating na Marso 19 bilang tugon sa malakihang pagtaas ng presyo ng langis.
Kabilang sa pangunahing mga hiling ng grupo ang pag-alis ng VAT, excise, at iba pang buwis sa gasolina; pagbabawas ng presyo ng gasolina sa ₱55 kada litro; at pagtaas ng pasahe ng ₱5 sa buong bansa.
Ipinahayag ng PISTON na ang kilos-protesta ay bunga ng tumataas na presyo ng petrolyo na malaki ang epekto sa mga tsuper, operator, at mga pasahero, lalo na’t umabot na sa mataas na antas ang diesel at iba pang produktong petrolyo. RNT/MND