Home HOME BANNER STORY Approval ratings ni VP Sara lamang kay PBBM – survey

Approval ratings ni VP Sara lamang kay PBBM – survey

197
0

MANILA, Philippines – Ayon sa Pulse Asia survey na inilabas nitong Lunes, 36% lamang ng mga Filipino adult ang nag-apruba sa trabaho ni President Ferdinand Marcos Jr. sa nakaraang tatlong buwan, samantalang 55% ang nag-apruba sa quarterly performance ni Vice President Sara Duterte.

Ipinakita ng survey na may disapproval sa trabaho ng Presidente sa Visayas (61%), Mindanao (73%), at Class E (60%), habang nagkaroon lamang ng majority approval sa rest of Luzon (54%). Sa kabilang banda, mataas ang approval kay Duterte sa Visayas (72%), Mindanao (95%), Class D (57%), at Class E (81%). Sa Metro Manila, kalahati ng mga tao ang nag-apruba sa kanya, ngunit sa rest of Luzon marami ang hindi nasisiyahan.

Sa trust ratings, 44% ang hindi nagtitiwala kay Marcos, at 35% lamang ang nagtitiwala. Samantalang 54% ang nagtitiwala kay Duterte, at 26% ang hindi.

Tungkol sa mga pangunahing problema, 59% ang nagsabing inflation ang pinaka-urgent national concern, sinundan ng graft at corruption sa gobyerno (47%) at sahod ng mga manggagawa (36%). Karamihan ay kritikal sa gobyerno sa pagtugon sa kahirapan (53%), corruption (67%), illegal drugs (68%), at inflation (73%), habang tanging proteksyon sa welfare ng OFWs ang may majority approval (53%).

Ang survey ay isinagawa noong Pebrero 27 hanggang Marso 2 sa 1,200 adults, na may ±2.8% margin of error. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here