Home METRO Pagputok ng bulkang Kanlaon, nagdulot ng forest fires, ashfall sa 11 lugar...

Pagputok ng bulkang Kanlaon, nagdulot ng forest fires, ashfall sa 11 lugar sa Negros

154
0

NEGROS OCCIDENTAL, Philippines – Nagkaroon ng forest fires sa paligid ng Kanlaon Volcano matapos ang moderately explosive eruption bandang 6:07 p.m. noong Linggo, ayon sa Phivolcs.

Umabot sa 5 kilometro ang taas ng abo, na umabot sa 54 barangay sa 10 LGU sa Negros Occidental, kabilang ang Binalbagan, La Castellana, Moises Padilla, Hinigaran, Isabela, San Carlos, Himamaylan, Kabankalan, Pontevedra, at Ilog. Naapektuhan din ang Canlaon City sa Negros Oriental.

Ayon kay La Castellana Mayor Añejo Nicor, 60 porsyento ng bayan, kabilang ang town proper, ay natabunan ng abo. Bilang pag-iingat, suspendido ang klase sa Himamaylan, Moises Padilla, La Castellana, at Binalbagan ngayong Lunes.

Ito ang ikatlong pagputok ng Kanlaon ngayong taon, matapos ang mga eruption noong Pebrero 19 at 26. Naglabas muli ng abo ang bulkan bandang 10:31 p.m. ng Linggo. Nananatili sa Alert Level 2 ang Phivolcs at ipinagbabawal ang pagpasok sa 4-kilometer Permanent Danger Zone.

Pinayuhan ni Canlaon City Mayor Jose “Batchuk” Cardenas ang mga residente na manatiling kalmado, nakasuot ng face mask o basang tela sa ilong at bibig, habang handa ang mga rescue at emergency teams. Sa Moises Padilla, pansamantalang itinigil ang street dance rehearsals sa Barangay 4 dahil sa peligro ng ashfall sa kalusugan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here