Home NATIONWIDE Presyo ng langis sumadsad, stocks tumaas sa pagdeklara ng Iran sa pagbubukas...

Presyo ng langis sumadsad, stocks tumaas sa pagdeklara ng Iran sa pagbubukas ng Hormuz

95
0

UNITED STATES – Bumagsak ang presyo ng langis habang umakyat ang global stock markets matapos ideklara ng Iran ang muling pagbubukas ng Strait of Hormuz sa commercial shipping.

Ayon kay Iranian Foreign Minister Abbas Araghchi, papayagan na ang pagdaan ng mga barko bilang bahagi ng umiiral na ceasefire sa Lebanon.

Dahil dito, bumaba ang presyo ng Brent at WTI crude sa ibaba ng $90 kada bariles, mula sa halos $120 sa kasagsagan ng tensyon sa Middle East.

Nagtala ang Brent ng $90.38 kada bariles, bumaba ng 9.1%, habang positibo ang galaw ng mga merkado sa Europa at Estados Unidos.

Sumipa ang S&P 500 sa panibagong record na 7,126.06, habang kapwa tumaas ng halos 2% ang stock markets sa Frankfurt at Paris.

Ayon sa mga analyst, agad na naramdaman ng merkado ang epekto ng pagluwag ng tensyon sa rehiyon.

Sinabi naman ni US President Donald Trump na malapit na umanong magkaroon ng kasunduan sa Iran, bagamat may ilang isyu pa ring pinagtatalunan, kabilang ang usapin sa nuclear materials ng Tehran.

Sa kabila nito, nananatiling maingat ang shipping industry, na humihingi pa ng malinaw na gabay sa ligtas na pagdaan ng mga barko sa nasabing rutang dinadaanan ng isang-kalimang bahagi ng global oil supply. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here