CEBU, Philippines – Nanatiling sapat ang suplay ng liquified petroleum gas (LPG) sa Cebu, pero bahagyang tumaas ang presyo habang sinisipsip ng mga kumpanya ang epekto ng patuloy na digmaan sa Gitnang Silangan.
Nagsimulang itaas ng ilang tindahan ang presyo ng LPG nitong Biyernes, Marso 20. Sa Minglanilla, kailangang magbayad ang mga mamimili ng dagdag P12 hanggang P20 para sa isang 11-kilogram tank ng LPG.
Samantala, nanatiling pareho ang presyo ng butane canisters, ngunit inaasahan ding tataas rin ito kapag naglabas ng bagong presyo ang mga supplier — mula P16.50 hanggang P18.50 kada canister.
Ang presyo ng gasolina sa linggong ito ay umabot na sa P114 kada litro habang nagpapatuloy ang krisis sa Gitnang Silangan, na nakakaapekto sa suplay at merkado, lalo na sa Asia na umaasa sa imported energy.
Sinabi rin ni Energy Secretary Sharon Garin na may “sapat na” supply ng LPG sa bansa. RNT/MND