Home METRO Babae kritikal sa saksak ng kapwa babae sa bar sa Maynila

Babae kritikal sa saksak ng kapwa babae sa bar sa Maynila

160
0

MANILA, Philippines – Kritikal ang isang 44-anyos na babae matapos saksakin ng bar entertainer sa Sampaloc, Maynila Sabado ng madaling araw.

Sa imbestigasyon, pumasok sa Cabin 8 Bar and Restaurant sa España Blvd, Sampaloc ang biktima na si “Agnes” at mga kaibigan.

Sa di malaman na dahilan, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktima at suspek na si “Angelie”, 44, na kalaunan ay naawat.

Gayunman nang yayain ang biktima ng kanyang kasama na lumabas na lamang ng bar, nagpatuloy itong nagdamog at nag-ingay sa labas ng bar.

Bunsod ito, nagalit ang suspek at nilapitan ang biktima saka sinaksak gamit ang 29 na pulgadamg kitchen knife.

Naaresto naman ang suspek ng Manila Police District -Homicide Section at iniharap sa Inquest Proceedings. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here