MANILA, Philippines – Maaring maglaan ng budget si Pangulong Marcos sa mga pribadong grupo na may magagandang proyekto sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 12066 o ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy (CREATE MORE) Act.
Sa legal opinion ni Justice Secretary Jesus Crispin C. Remulla, kahit hindi pabor ang saligang batas sa hindi patas o nararapat na panor sa ilang indibidwal o class privilege, hindi naman ito humihingi ng ganap na pagkakapantay-pantay.
Sinabi ng kalihim na hindi ibinabawal sa saligang batas ang pagkakaloob ng pribelehiyo o insentibo sa tao na ka ilang sa partikular na uri.
“Legislation that grants only privileges or incentives to persons falling within a specified class, if the law applies alike to all persons within such class, and reasonable grounds exist for making a distinction between those who fall within such class and those who do not.”
Ang batas na CREATE MORE ay malinaw aniya at hindi otomatiko na nag aaplay sa lahat ng enterprises dahil may mga patakaranan na dapat munang sundin.
Una nang hiniling ni Finance Secretary Ralph Recto na siya rin chairman ng Fiscal Incentives Review Board (FIRB) ang legal opinion ng DOJ kaugnay sa probisyon ng Section 301 ng National Internal Revenue Code of 1997 (NIRC) kaugnay sa pagbibigay ng budgetary support ng pangulo sa mga private entities na may magagandang proyekto.
Dumulog si Recto sa DOJ matapos humiling ang isang pribadong kumpanya na nakarehistro sa Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ng tax incentives sa mga proyekto nito na may investment capital na mahigit P50 billion.
Hiniling ng naturang kumpanya na mabigyan ng discounts sa power expenses,transmission charges, water diversification, installation at pagtatayo ng substation.
Sinang-ayunan ni Remulla si Recto na sa ilalim ng Section 301 ng NIRC, may kapangyarihan ang pangulo na magkaloob ng insentibo sa magagandang proyekto ng hindi kailangan ang rekomendasyon mula sa FIRB.
Gayunpaman, ipinaalala ni Remulla na hindi absolute ang naturang kapangyarihan ng pangulo.
“This power of the President is not absolute and must be guided by the determination of the FIRB as to what projects are considered highly desirable, the maximum incentive levels, and the performance targets to be imposed on the grantee.” TERESA TAVARES