Home NATIONWIDE Price freeze pinairal ng DTI sa mga lugar na sapul ng kalamidad...

Price freeze pinairal ng DTI sa mga lugar na sapul ng kalamidad sa Palawan

MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Department of Industry (DTI) noong Sabado na ang 60 araw na price freeze sa mga pangunahing pangangailangan ay may epektibo sa Puerto Princesa City, Narra, Brooke’s Point at Aborlan sa Palawan.

Ang hakbang ay alinsunod sa deklarasyon ng state of calamity sa nabanggit na mga lugar dahil sa matinding epekto ng patuloy na shear line.

Binigyang-diin ni Trade Secretary Cristina Roque na ang price freeze ay naglalayong protektahan ang mga mamimili mula sa profiteering.

Ang essential goods na nasa ilalim ng hurisdiksyon ng DTI at nasa price freeze ay ang:

  • Canned fish at iba pang marine products

  • Processed milk (evaporated, condensed, at powdered)

  • Kape

  • Laundry o detergent soap

  • Kandila

  • Bread (tasty at pandesal)

  • Iodized salt

  • Instant noodles

  • Bottled water

Nagbabala ang DTI na ang paglabag sa price freeze ay magreresulta sa administrative penalties kabilang ang multa na mula P5,000 hanggang P10,000 at pagkakakulong ng isa hanggang 10 taon.

Upang masiguro ang pagsunod, ang DTI provincial monitoring at enforcement team sa Palawan ay pinaigting ang pagsisikap na subaybayan ang pagpepresyo at pagkakaroon ng mga mahalagang kalakalan na ito. Jocelyn Tabangcura-Domenden