Home NATIONWIDE Price freeze sa presyo ng bilihin iginiit

Price freeze sa presyo ng bilihin iginiit

148
0

MANILA, Philippines – Sa gitna ng lumalalang tensyon sa Middle East na maaaring magdulot ng pagtaas sa presyo ng langis at imported na produkto, nanawagan si Agimat Partylist Rep Bryan Revilla sa pamahalaan na pag-aralan ang agarang pagpapatupad ng price freeze sa mga pangunahing bilihin.

Ayon kay Revilla, dapat manatiling maagap at mapagmatyag upang mabawasan ang posibleng epekto ng pagtaas ng presyo ng langis at iba pang imported na produkto na may direktang implikasyon sa halaga ng pangunahing bilihin.

Umapela din ito sa Department of Trade and Industry (DTI), Department of Agriculture (DA) na ipatupad ang emergency provisions ng mga batas tulad ng Republic Act No. 7581, pati na ang iba pang mekanismo na maaaring gamitin upang mapanatili ang katatagan ng presyo at maprotektahan ang kapakanan ng mamimili.

“Nauunawaan natin ang pangamba ng ating mga kababayang Pilipino sa tuwing may krisis sa pandaigdigang antas. Bagama’t ipinagdarasal natin na hindi ito lalala, mahalaga na tayo ay handa at nakatutok sa sitwasyon bago pa man ito magdulot ng mas mabigat na epekto sa ating ekonomiya” ani Revilla.

Kasabay nito, nagbabala rin si Revilla laban sa mga mapagsamantalang indibidwal at negosyanteng maaaring abusuhin ang sitwasyon sa pamamagitan ng hindi makatarungang pagtataas ng presyo ng mga bilihin o pagtatago ng suplay upang kumita ng mas malaki.

“No less than Malacañang has already warned against price gouging and abusive pricing practices. There is a clear directive from the highest levels of government that profiteering and price manipulation will not be tolerated, especially in times of global uncertainty. We fully support this strong stance and call for sustained vigilance and firm enforcement to ensure that our people are protected,” ani Revilla.

Hinimok din nito ang publiko na maging mapagmatyag at agad ireport sa mga kinauukulang ahensya ang anumang insidente ng hindi makatarungang pagtataas ng presyo at pananamantala. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here