MANILA, Philippines – Inilunsad ng Department of Health (DOH) ang primary heath care plan para sa mga mahihirap na Pilipino.
Nais ni Health secretary Teodoro Herbosa na mkapagtayo ng 28 na mga urgent care at ambulant services para sa 28 milyong mahihirap na Pilipino.
Sa paglulunsad ng 28 for 28 by 28 plan ng DOH, nais ni Health Sec. Teodoro Herbosa na makapagtayo ng 28 na mga urgent care at ambulant services para sa 28 milyong mahihirap na Pilipino.
Upang mabawasan ang sobrang dami ng mga pasyente sa mga malalaking government hospitals magtatayo rin ang DOH ng specialty hospitals sa ibat-ibang rehiyon sa bansa at gawing moderno ang mga Barangay Health Centers.
Ayon naman kay Asst. Sec. Albert Domingo, ang pangunahing layunin ng mga itatayo ng primary health care na maagap na masuri ng sakit ng mg Pinoy.
Dumalo sa ginawang paglulunsad ng primary health care o 28 by 28 by 28 plan ang mga dating Kalihim ng DOH tulad nina Pauly Obial at Enrique Ona.
Target ng DOH ngayong taon na makapag tayo ng 5 National Ambulatory and Urgent Care Facilities at target din na makumpleto ang kabuuang 28 sa taong 2028. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)