MANILA, Philippines- Nagpulong ngayong araw ng Huwebes sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ang kanyang economic team sa Palasyo ng Malakanyang para pag-usapan ang mga priority project ng administrasyon na popondohan sa 2025.
Pinag-usapan nina Pangulong Marcos at ng mga economic manager ng pamahalaan ang mga pangunahing infrastructure at food security projects na prayoridad sa susunod na taon.
Hindi naman idinetalye ni Malacañang Press Briefer Daphne Oseña-Paez ang mga priority project ng administrasyong Marcos para sa taong 2025.
Kasama naman sa naturang miting sa Palasyo ng Malakanyang sina House Speaker Martin Romualdez at Senate President Francis Escudero.
Sa nasabing pagpupulong, kapwa tiniyak nina Romualdez at Escudero ang suporta ng dalawang Kapulungan ng Kongreso para sa kasalukuyang ‘high-priority projects’ ng administrasyon.
“The President wanted to get the assurance that the priority projects of this administration, projects that have been so well identified as critical to achieving that social and economic transformation that it wants to achieve in the medium term are funded in 2025 and that is sustained also in the coming years,” ang sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan sa press briefing sa Malakanyang.
“We all agreed, the leadership of Congress agreed that we need to ensure that the projects of this administration of the President in relation to the high-priority projects aimed at achieving [or] attaining the goals and targets in the Philippine Development Plan are achieved,” dagdag niya.
Winika pa ng Kalihim na ang mga priority project para sa susunod na taon ay nakikitang makapagpapahusay sa food security at economic climate sa pamamagitan ng pag-develop sa infrastructure sector.
Sinabi naman ni Trade Secretary Ma. Cristina Roque na ang executive branch ay “in sync” kasama ang Kongreso para makamit ang socioeconomic goals ng gobyerno.
Nagpahayag din siya ng kumpiyansa ukol sa foreign investments, kasunod ng paninindigan ng Pilipinas sa S&P Global Rating na “BBB+” credit rating at outlook upgrade mula “stable” patungo sa “positive.”
“This high credit rating will really encourage a lot of confidence for the international investors to come into our country and, so far, there is a lot of interest in our country,” ang sinabi ni Roque. Kris Jose