Home ENTERTAINMENT Nadia, nakasuporta pa rin kay Robin!

Nadia, nakasuporta pa rin kay Robin!

1
0

Manila, Philippines – Nasa likod pa rin para sumuporta si Nadia Montenegro kay Sen. Robin Padilla.

Ito’y sa gitna ng natatanggap na batikos ng aktor-pulitiko.

Ngunit mas gusto ni Nadia na makitang ine-enjoy ni Robin ang buhay nito sa labas ng pulitika.

This is not to say, however, na suko na ito sa mga nagaganap sa pulitika— thus weighing hin down.

Paniniyak ni Nadia, hindi daw big deal kay Robin ang mga bashing sa social media.

“Naku, manhid na ‘yon sa ganoon. Sanay na ‘yon!” aniya.

Eh, paano sa 2028–Will Nadia still be willing to support Robin sa political plans nito?

“Anything na makakatulong ako, personal o hindi, nandiyan lang ako para sa kanya,” ayon pa kay Nadia na naging staff dati ng senador.

Babalik pa ba siya sa tanggapan ni Robin?

“Hindi na. Ayoko na, nothing can convince me,” saad niya.

Nadia served as political affairs adviser of Robin until nasangkot siya sa alegasyong nagsindi umano ng marijuana sa building ng Senado. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here