MANILA, Philippines- Kumpiyansang inihayag ng National Economic Development Authority (NEDA) na hindi maapektuhan ng kasalukuyang political environment ang positibong economic outlook sa Pilipinas.
Tinukoy nito ang mahusay na pamamahala sa ekonomiya ng bansa sa gitna ng girian sa pagitan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte at kampo ng mga ito.
Sa Palace press briefing, sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan na nananatiling nakatuon ang administrasyon na makamit ang target na itinakda ng Philippine Development Plan 2023-2028.
Sinabi pa niya na sa kasaysayan, hindi napigilan ng political tensions ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa nakaraan dahil ang economic policies ay “broadly sustained.”
“I don’t think these political noises would have any impact on the economy. What is important is that our economic policies, our economic policy directions are sound and sustained,” ang sinabi ni Balisacan.
“In fact, that has been the case for the Philippines since late 1990s, that the economy continued to progress despite the political noises simply because the economic policies and our directions have been broadly sustained,” dagdag na wika nito.
Sinabi pa ni Balisacan na hangga’t nananatili ang gobyerno sa target at layunin nito gamit ang economic priorities at programa, pananatilihin ng business community ang kumpiyansa nito sa ekonomiya.
“The impact of noises like of what we have now, if there’s any, would be quite minimal,” ang sinabi ni Balisacan.
“More investments are also coming in despite the ongoing political tensions,” sabi naman ni Trade Secretary Ma. Cristina Roque.
“A lot of investors are coming and we are pursuing those investments. They haven’t mentioned anything about these things that are happening,” ang tinuran pa rin ni Roque sa naturang press briefing. Kris Jose