Home ENTERTAINMENT Vice, nangako ng bonus sa IS staff!

Vice, nangako ng bonus sa IS staff!

Manila, Philippines- Harinawang nasa negotiating table pa ang usapin tungkol sa renewal ng kontrata ng It’s Showtime sa GMA.

Kalat na kasi ang tsikang hanggang December na lang ng kasalukuyang taon eere ang IS sa Kapuso network.

Pinawi naman ni Atty. Anette Gozon-Valdes ang agam-agam ng mga tagasuporta ng Vice Ganda-led noontime program by saying na under nego pa ang lahat.

Maugong kasi ang balitang in place of Showtime ay ookupahan ng TiktokClock ang time slot nito.

Despite these rumors, mukhang cool lang ang lahat ng Showtime hosts.

But the same cannot be said of the program staff at crew nito.

Sa episode ng Showtime nitong November 23, Sabado ay pinangunahan ni Vice Ganda ang pag-aanunsyo na hindi niya pababayaan ang program staff.

“Kaming mga hosts, arte-arte lang. Pero ang staff at crew, hanggang gabi, hanggang madaling araw, nagtatrabaho…,” pasakalye muna ng Unkaboggable Star.

Then came her promise.

Ani Vice Ganda: “Kaya naman pasasayahin ko kayo ngayong Pasko! Promise, bibigyan ko kayo ng bonus…at hihingi rin ako ng tulong mula sa ibang hosts na sama-sama namin kayong mapasaya!”

Ganoon na lang ang lakas ng hiyawan ng staff and crew sa studio.

Paulit-ulit nang sinasabi na pamilya kung ituring niya ang mga kasamahan sa Showtime lalung-lalo na ang staff at crew nito.

It’s going to be a merry Christmas for the Showtime peeps! Ronnie Carrasco III