Manila, Philippines – Has Priscilla Merelles divorced her husband John Estrada?
Nakakaintriga kasi ang comment ng former Miss Earth na: “Looking very divorced Mr. John Estrada!”
Ito’y matapos i-tag ni Priscilla ang pangalan ng babaeng kasama ng aktor sa Boracay.
Ang siste, una munang nag-post sa Instagram si John na nasa Bora siya at ang hotel na kanyang tinutuluyan.
Isang netizen ang nagtanong kung sino ang kasama ni Rigor (John’s character in Batang Quiapo): si Lena (Mercedes Cabral) daw ba p si Maritess (Cherry Pie Picache)?
Doon na pumasok ang comment ni Priscilla.
Sa ngayon, tinanggal na ni John ang comment section sa IG.
Priscilla’s comment has fueled speculations na may problemang pinagdadaanan ang mag-asawa na later on ay nakumpirma nga.
Nitong July 15, ipinost ni Priscilla na bound for Manaus, Brazil sila ng kanyang nag-lisang anak kay John.
Hindi malinaw kung magbabakasyon doon ang mag-ina o may hakbang na ginawa ang dating beauty queen.
Minsan nang pinatawad ni Priscilla ang actor-husband sa umano’y panloloko sa kanya.
This time around: napuno na kaya si Priscilla?
Bukas ang Remate Online para sa panig ng magkabilang partido. Ronnie Carrasco III