Nagbabala ang National Privacy Commission (NPC) noong Lunes sa mga healthcare worker laban sa pag-post ng mga sensitibong larawan at video ng mga pasyente na maaaring lumabag sa Data Privacy Act of 2012 (DPA).
Nalalapat ang batas sa pagpoproseso ng personal at sensitibong personal na data at ang paglabag nito ay mangangahulugan ng “pagkakulong at multa, ayon sa maaaring mangyari.”
“If the videos do not include details that can identify a person, its disclosure may not fall under the scope of the DPA. However, the NPC acknowledges the potential risks to individuals’ rights and freedoms, especially for patients,” nakasaad sa isang pahayag.
Sa unang bahagi ng buwang ito, isang nursing student at vlogger ang nag-post ng video na nagpakita ng isang pasyenteng nag-flatline sa pamamagitan ng electrocardiogram.
Binatikos ng mga netizens ang pagpapakita ng sensitibong content at potensyal na paglabag sa privacy ng namatay.
Sinabi ng NPC na ang pagpo-post ng sensitibong larawan at videos habang itinatago ang personal na impormasyon ay nagpapataas pa rin ng “mga seryosong alalahanin sa etika at pinapahina ang tiwala sa pagitan ng mga pasyente at mga tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan.
“Ethical considerations are critical in maintaining the integrity of healthcare practices and protecting the dignity of patients,” saad pa ng NPC.
Ang mga propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan at mga mag-aaral ay tinatawagan na “maging lubos na mag-ingat kapag kumukuha ng mga larawan o video sa loob ng mga setting ng pangangalagang pangkalusugan at iwasang i-post ang mga ito sa mga platform na naa-access ng publiko.
“Freedom of expression is not absolute and is limited by considerations such as the data privacy rights of others,” sabi ng komisyon. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)