Home NATIONWIDE TRO vs PUV modernization inihirit ng transport group sa SC

TRO vs PUV modernization inihirit ng transport group sa SC

MANILA, Philippines – Nanawagan ang mga jeepney driver sa Supreme Court (SC) na aksyunan na ang nakabinbin nilang petisyon laban sa public transport modernization program (PTMP) na December 2023 pa nila inihain.

Sinabi ni Jason Pahilagutan ng PISTON, hiniling nila sa korte na maglabas ng temporary restraining order (TRO) laban sa modernization program na tinatawag dati na Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Sa petisyon ng mga transport group, hiniling nila na ideklara ng SC na walang bisa ang ilan sa mga issuances ng government transportation agencies, at magpalabas ito ng TRO para hindi maipatupad ng respondents ang mga nasabing issuances.

Kabilang dito ang Department of Transportation (DOTr) Department Order No. 2017-11 na nagsisilbing framework para sa PUVMP at ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) MC 2023-051 na nagtatakda ng deadline sa consolidation.

Kabilang sa mga petitioners ay sina PISTON chairman Modesto Floranda, Jason Jajilagutan, Bayan Muna party-list coordinator Gaylord Despuez, Para-Advocates For Inclusive Transport member Edric Samonte, No to PUV Phaseout Coalition of Panay member Elmer Forro, at Komyut spokesperson Ma. Flora Cerna.

Nais ng mga petitioner na habang nakabinbin ang kanilang petisyun ay maglabas ang SC ng TRO upang magkaroon sila ng pagkakataon na pansamantalang makapag rehistro.

Magugunita nitong July, 22 lumagda ang 23 senators sa proposed Senate Resolution 1096 na humihikayat sa gobyerno na pansamantalang suspendihin ang implementasyon ng PTMP.

GAyunman, nanindigan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ituloy ang programa dahil makailan beses naman na aniya naipagpaliban ito. Teresa Tavares