Home NATIONWIDE Private schools pwede ring magsimula ng klase sa Hunyo 16 – DepEd

Private schools pwede ring magsimula ng klase sa Hunyo 16 – DepEd

MANILA, Philippines – Maaari ring magsimula ng klase sa School Year 2025-2026 sa Hunyo 16 ang mga pribadong paaralan, katulad ng sa mga pampublikong paaralan, ayon sa Department of Education nitong Lunes, Abril 21.

Ipinunto ng DepEd na maaaring sundin o hindi sundin ng mga pribadong paaralan ang school calendar ng ahensya.

Maaari ring magtakda ng sariling simula ng klase ang mga pribadong paaralan basta’t ito ay tumutugon sa School Calendar Law na nagsasabing, “school year shall start on the first Monday of June but not later than the last day of August.”

Ang paparating na academic year ay tatakbo mula Hunyo 16, 2025 at magtatapos sa Marso 31, 2026 na katulad sa nakagawiang school calendar.

Matatandaan na ang SY 2024-2025 ay nagtapos noong Abril 15.

Sa ilalim ng batas, ang school year ay dapat na binubuo ng hindi hihigit sa 220 class days. RNT/JGC