Home NATIONWIDE Private sector pinakikilos ni Kiko vs agricultural smuggling: ‘Magsasaka protektahan’

Private sector pinakikilos ni Kiko vs agricultural smuggling: ‘Magsasaka protektahan’

225
0

MANILA, Philippines – Muling kinalampag ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan ang pribadong sektor na makipagtulungan sa pamahalaan upang masugpo nang tuluyan ang agricultural smuggling na pangkaraniwang kasabwat ang pribadong kampanya at ilang tauhan ng gobyerno.

Sa pahayag, sinabi ni Pangilinan, chairman ng Senate committee on agriculture, food and agrarian reform na kailangan may mas malakas ang pagkakaisa sa pagitan ng pamahalaan at pribadong sektor upang sugpuin ang agricultural smuggling at isulong ang matagal nang reporma na magbibigay proteksiyon sa magsasakang Filipino at tiyakin ang national food security.

Sinabi ni Pangilinan sa kanyang keynote speech sa International Farmers’ Summit nitong Sabado, February 28, pinahalagahan ng mambabatas ng aktibong partisipasyon ng pribadong sektor – negosyo, industry groups at market stakeholders – na pangunahin upang tugunan ang sistematikong hamon na kinahaharap ng sektor ng sakahan at pangisdaan.

“We need the private sector to stand up as well and call for sweeping reforms sa BOC (Bureau of Customs), sa DOF (Department of Finance), sa DA (Department of Agriculture), sa BIR (Bureau of Internal Revenue),” aniya.

Lubhang ikinabahala ng mambabatas ang sindikato na kinasasangkutan ng ilang pribadong kampanya, opisyal at tauhan ng Bureau of Customs (BOC) at DA sa illegal smuggling  ng produktong agricultural na dumudurog sa hanapbuhay ng magsasaka at mangingisdang Filipino.

Aniya, patuloy na sinasalanta ng ismagling ang local food producers, was akin ang presyo sa mercado at malaking banta sa hanapbuay ng milyong magsasaka at mangingisdang Filipino.

“Sa tulong ninyo (private sector), pagtulungan nating ayusin ang sektor ng agrikultura at pangingisda,” aniya.

Umabot na sa pitong pagdinig ang isinagawa ng komite ni Pangilinan laban sa malawakan at multi-bilyong pisong agricultural smuggling operations sa bansa.

Binanggit din ni Pangilinan ang ilang panukalang batas na kanyang inihain upang isulong ang reporma sa sektor at talakayuin ang maraming isyu.  Kabilang dito ang renationalization ng   agricultural extension services at muling pagtatayo  ng Bureau of Agriculture Cooperatives, na magbibigay ng ekstensibong suporta sa magsasaka at mangingisda.

Isinusulong din ng senador ang implementasyon ng Sagip Saka Act sa feeding program sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan kabilang ang Department of Education, Department of Social Welfare and Development, Department of the Interior and Local Government, at Department of Health.

“Lahat tayo ay pinakain ng ating magsasaka at mangingisda kaya lahat tayo ay dapat nagagalit kapag hindi sila binibigyan ng sapat na suporta,” aniya.

“But we cannot do it alone. We need the private sector to help us, and I know that your organizations would like to see justice for our farmers and fisherfolk and in the agriculture and fisheries sector that will not just match Thailand, Vietnam, and other countries in the region, but outpace them,” giit ni Pangilinan. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here