Home IN PHOTOS PRO3 lumahok sa 2nd Quarter Nationwide Earthquake Drill sa Camp Olivas

PRO3 lumahok sa 2nd Quarter Nationwide Earthquake Drill sa Camp Olivas

2
0

PAMPANGA, Philippines – Bilang pagpapakita ng kahandaan sa sakuna, aktibong lumahok ang Police Regional Office 3 (PRO3) sa 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) noong Hunyo 18, 2026 sa Camp Olivas, Pampanga.

Pinangunahan ng Regional Community Affairs and Development Division (RCADD) sa ilalim ni PCOL Ferdinand D. Germino ang aktibidad na layuning mapalakas ang kamalayan at kahandaan ng mga tauhan sa mga senaryo ng lindol at tamang emergency response.

Sa pagtunog ng isang minutong sirena, isinagawa ng mga tauhan ang “Duck, Cover, and Hold” bago maayos na lumikas patungo sa itinalagang evacuation area sa Parade Ground, gamit ang hard hat at go-bag.

Nagsagawa rin ng mock rescue at first aid operations ang Regional Medical and Dental Unit (RMDU) katuwang ang Bureau of Fire Protection (BFP), kabilang ang assessment ng mga “biktima,” treatment ng simulated injuries, at emergency extraction procedures.

Ayon kay PBGEN Jess B. Mendez, mahalaga ang kahandaan bilang bahagi ng serbisyo at disiplina ng PNP.

“Ang kahandaan ay hindi isang karaniwang aktibidad kundi isang tungkulin na dapat nating gawin sa mga taong ating pinaglilingkuran,” ani Mendez, sabay banggit sa PNP Focused Agenda at Enhanced Managing Police Operations.

Mahigit 1,000 kalahok mula sa PNP, non-uniformed personnel, estudyante, at partner agencies ang sumali sa drill bilang pagpapakita ng sama-samang pagtutulungan para sa kaligtasan at katatagan sa sakuna. VAL LEONARDO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here