Home METRO Traffic plan, inilatag ng San Juan para sa Wattah Wattah Festival 2026

Traffic plan, inilatag ng San Juan para sa Wattah Wattah Festival 2026

2
0

MANILA, Philippines – Ipinakita ni San Juan Mayor Francis Zamora ang road closure at traffic management plan para sa Wattah Wattah Festival 2026 sa isang press briefing nitong Huwebes, Hunyo 18, sa San Juan City.

Ayon sa plano, itatalaga ang Basaan Zone sa Pinaglabanan Street at mga katabing kalsada na isasara sa mga sasakyan sa Hunyo 24 bilang bahagi ng paghahanda para sa ligtas at maayos na pagdiriwang ng pista.

Paalala ng alkalde, ang mga lalabag at magbabasa ng tubig o sasali sa “basaan” sa labas ng designated Basaan Zone ay maaaring patawan ng parusa alinsunod sa city ordinances at festival regulations.

Layunin ng mga patakaran na mapanatili ang kaayusan, kaligtasan ng publiko, at proteksyon ng mga residente, motorista, at negosyo sa panahon ng selebrasyon. DANNY QUERUBIN

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here