Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang 12 senatorial candidates ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas sa Santa Rosa City, Laguna sa Sabado (Marso 22, 2025). Hindi sumali sa sortie sina Senator Imee Marcos at Las Piñas Rep. Camille Villar sa ikalawang sunod na araw. Cesar Morales
MANILA, Philippines – Suportado ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas ang pagsasagawa ng patas at transparent na imbestigasyon sa mga reklamo ng mga consumer ng Primewater Infrastructure Corp, ayon kay Alyansa campaign manager at Navotas Rep Toby Tiangco.
“Public concerns over water service—whether involving a local utility or a private provider like PrimeWater—deserve to be addressed through proper and transparent channels,” pahayag ni Tiangco.
“Clean and reliable water is a basic need, and any service issues must be reviewed fairly and with urgency. Any inquiry must be guided by facts and focused on ensuring providers meet their obligations to the people,” giit pa nito.
Matatandaan na una nang inanunsyo mismo ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagsasagawa ng imbestigashon sa Primewater kasunud ng mga reklamong natatanggap mula sa mga consumer.
Samantala, nilinaw ni Tiangco na nanatiling kasapi ng “Alyansa” si Las Piñas Rep. Camille Villar, ang pamilya Villar ang syang nagmamay ari ng Primewater.
Ani Tiangco, hiwalay ang isyu ng Primewater sa suporta naman administrasyon kay Camille.
“The coalition is confident in Villar’s integrity and commitment to public service. We respect her track record in public service and trust that she, like all our candidates, supports efforts that promote transparency, accountability, and the public good,” paliwanag ni Tiangco
“In a Bagong Pilipinas, the welfare of the people always comes first,”pahayag pa nito.
Una nang nanawagan ang Bulacan provincial officials na bawiin ang joint venture agreements ng Primewater sa ilang water districts sa lalawigan dahil sa reklamo na kawalan ng supply, nanawagan ito sa national government na mamagitan na sa isyu.
Ang Primewater ay may operasyon sa Batangas, Cavite, Bulacan, Pampanga, Pangasinan, Cabanatuan, Tarlac, Camarines Norte, Subic at iba pang lugar. Gail Mendoza