Home NATIONWIDE Probisyon sa Magna Carta of Filipino Seafarers pinapawalang-saysay sa SC

Probisyon sa Magna Carta of Filipino Seafarers pinapawalang-saysay sa SC

MANILA, Philippines- Hiniling sa Supreme Court (SC) ng Federation of Free Workers at ni labor leader Atty. Sonny Matula na ipawalang-bisa ang probisyon sa Magna Carta of Filipino Seafarers na layon umanong madagdagan ang pasanin sa gastos ng seafarers.

Naghain si Matula ng petition for certiorari and prohibition para ideklara ng SC na labag sa Saligang Batas ang Sections 59 at 60 ng Republic Act 12021 o Magna Carta of Filipino Seafarers.

Nakasaad sa petisyon na labag sa “equal protection clause” at sa karapatan sa mabilis na hustisya ang mga nabanggit na probisyon.

Hiniling din ng grupo sa korte na magpalabas ng temporary restraining order laban sa Sections 59 at 60 maging ang Implementing Rules and Regulations hangga’t hindi nareresolba ng korte ang usapin.

Una nang iginiit ng Federation of Free Workers na masyadong discriminatory ang nabanggit na probisyon ng batas dahil labis na pasanin ito sa mga tripulanteng Pinoy.

Ang RA 12021 na nilagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos noong September 2024 ay isang comprehensive manual sa karapatan ng 570,626 Filipino seafarers na bumubuo sa one fourth na bahagi ng mga tripulante sa buong mundo. Teresa Tavares