Home NATIONWIDE Produktong petrolyo may taas-presyo na naman sa susunod na linggo!

Produktong petrolyo may taas-presyo na naman sa susunod na linggo!

245
0
Horizontal shot of some fuel pumps at a gas station.

MANILA, Philippines – Asahan na naman ang panibagong taas-presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ito ay makalipas ang apat na sunod-sunod na linggo ng taas-presyo.

Sa nakalipas na trading days, tumaas ang imported diesel ng P3.38 kada litro habang ang imported kerosene ay tumaas din ng P2.40 kada litro.

Ang gasolina naman ay mas mataas din ng P0.13 kada litro.

Ani Department of Energy (DOE) Director Rino Abad, ang pagtaas sa presyo ng langis ay dahil pa rin sa production cut sa Saudi Arabia.

Posible ring magkaroon ng production cut ang Russia sa Setyembre. RNT/JGC

Previous articleMga vendor bawal din sumilong sa ilalim ng flyover ‘pag maulan – MMDA
Next articleKamara “on track” sa pag-apruba sa LEDAC priority bills

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here