Home NATIONWIDE Progreso ng Drive Interchange construction ng CALAX Governor ininspeksyon ni PBBM

Progreso ng Drive Interchange construction ng CALAX Governor ininspeksyon ni PBBM

MANILA, Philippines- Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pag-inspeksyon sa nagpapatuloy na konstruksyon ng Cavite-Laguna Expressway (CALAX) Governor’s Drive Interchange, isang mahalagang proyekto na naglalayon na mabawasan ang pagsisikip at paghusayin ang connectivity sa rehiyon.

Sinasabing 44% ng kompleto ang interchange at inaasahan na magiging operational ito sa third quarter ng 2025, ayon sa Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), nago-operate sa expressway.

“Once completed, this segment will decongest Governor’s Drive and provide seamless access to major economic hubs,” ang sinabi ng MPTC sa isang kalatas.

Sa kabilang dako, sinamahan nina Public Works Secretary Manuel Bonoan, Transportation Secretary Vivencio Dizon, Cavite Governor Athena Tolentino, at MPTC chairperson Manuel Pangilinan si Pangulong Marcos sa nasabing pag-inspeksyon.

Tinuran ng MPTC na ang 44.6-km. CALAX ay idinisenyo para ikabit sa lalawigan ng Cavite at Laguna, mahalagang industrial at residential areas sa katimugang bahagi ng Maynila.

Sa oras na makumpleto na, magkokonekta ito sa Manila-Cavite Expressway (CAVITEX) at South Luzon Expressway (SLEX), mababawasan ang travel time ng hanggang 45 minuto at mapakikinabangan ng 95,000 motorista araw-araw.

“CALAX will ease traffic on major thoroughfares… further boosting trade, tourism, and economic activity in the region,” ang sinabi ng MPTC sa isang kalatas.

Kabilang sa operational segments ng CALAX ay ang access points sa Mamplasan, Laguna Boulevard, Laguna Technopark, Santa Rosa-Tagaytay Road, Silang East, at Silang Aguinaldo.

Nag-ooperate din ang MPTC ng mga pangunahing toll roads kabilang na ang North Luzon Expressway (NLEX) at Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX). Kris Jose